Filipino
Ang Migrant Workers Centre ay isang independent not-for-profit na organisasyon na nakabase sa Carlton, Victoria.
Nag-aalok kami ng libre at kumpidensyal na tulong sa sinumang ipinanganak sa ibang bansa kabilang na ang mga internasyonal na estudyante, mga manggagawa na may hawak na holiday visa, mga refugee at mga taong naghahanap ng asylum, at iba pang mga may hawak ng temporaryong visa, permanenteng residente, mga mamamayan na ng Australya, at mga hindi dokumentado o hindi regular ang hawak na visa.
Ang MWC ay maaaring makapagbigay ng impormasyon at suporta patungkol sa:
- Sahod at iba pang mga kabayaran sa trabaho kagaya ng mga multa (penalty rates), overtime, at superannuation
- Mga isyung pangkaligtasan sa lugar ng trabaho (kabilang na ang kalusugang pangkaisipan)
- Mga pinsala sa lugar ng trabaho
- Hindi makatarungang pagkatanggal sa trabaho
- Diskriminasyon at pambibiktima sa lugar ng trabaho
- Iba pang isyu sa lugar ng trabaho kagaya ng cashback na proposisyon at pakunwaring pagkontrata (sham contracting)
Ang MWC ay hindi makakapagbigay ng suporta patungkol sa mga visa at migrasyon, paghahanap ng trabaho, pabahay, pagbubuwis, at alitan sa pagitan ng mga may negosyo.
Ang aming grupo ay nakakapagsalita ng iba’t ibang mga wika at maari din kaming mag-ayos ng interpreter kung kinakailangan.
Ang mga appointment ay maaaring online, sa telepono o pagpunta ng personal sa aming opisina sa Carlton.
I-click dito para makagawa ng appointment sa Filipino.
Kung kinakailangan mong makipag-usap ng madalian sa MWC, maaari mo kaming tawagan sa (03) 7009 6710.
Tandaan: Kung ikaw ay natanggal sa trabaho, kinakailangan mong magsampa ng hindi makatarungang pagkatanggal sa trabaho sa loob ng 21 araw. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa lalong madaling panahon.
MGA KADALASANG TANONG
Ano ang mangyayari sa aking appointment?
Sa iyong appointment, makikipag-usap ka sa isang organiser mula sa Migrant Workers Centre na makikinig sa iyong mga alalahanin at mangangalap ng impormasyon patungkol sa iyong isyu sa trabaho. Maaari kaming humingi sayo ng mga pangunahing detalye tungkol sa iyong visa, kondisyon sa lugar ng trabaho, at iba pang mga impormayon na makakatulong sa amin na maunawaan kung anong uri ng suporta ang maaari naming maipagkaloob.
Ang layunin ng iyong unang appointment ay upang mangalap ng mga impormasyon at sagutin ang mga pangkalahatang tanong. Kung kinakailangan, susuriin namin ang iyong kalagayan at ang iyong mga dokumento ng mas detalyado pagkatapos ng iyong unang appointment upang mapayuhan ka namin sa mga susunod na hakbang.
Kung matutukoy na ikaw ay napinsala sa trabaho, dumanas ng panliligalig o pambu-bully, ninakawan ng sahod at iba pang uri ng pagsasamantala- magbibigay kami ng payo sa mga susunod na hakbang upang makakuha ng kompensasyon, mabawi ang mga nakaw na sahod, at makakuha ng iba pang kinakailangang suporta. Gayunpaman, ikaw pa rin ang masusunod kung anong opsyon ang nais mong gawin.
May kailangan ba akong dalhin sa aking appointment?
Sa iyong appointment, mangyaring magdala ng maraming dokumento na susuporta sa iyong sitwasyon-pangunahin ang iyong kontrata sa pagtatrabaho, workplace enterprise agreement kung meron ka nito, mga roster at timesheet, sertipikong medikal, at talaan ng anumang komunikasyon sa trabaho gaya ng text, email at iba pa na may kaugnayan sa iyong trabaho.
Kung ang appointment mo ay online, mangyaring ihanda ang digital na kopya ng iyong mga dokumento. Ito ay madalas naming hinihingi na maipadala sa amin upang makapagbigay ng mga karagdagang payo.
Malalaman ba ng aking tagapag-empleyo (employer) kung makikipag-ugnayan ako sa inyo? Makakaapekto ba ito sa aking visa?
Lahat ng nakolektang impormasyon sa panahon ng iyong appointment ay kumpidensyal. Hindi namin kailanman ibabahagi ang iyong mga personal na detalye sa kahit sinuman, makipag-ugnayan sa iyong tagapag-empleyo (employer) o sa iba pang mga organisasyon hanggat wala kang pahintulot na gawin ang mga ito.